-- Advertisements --
Bahagyang bumaba ang ranking ni Pinay Tennis star Alex Eala.
Sa inilabas na ranking ng Women’s Tennis Association (WTA) ay nasa pang-32 na ang ranking nito.
Bumaba ito ng isang puwesto mula ng makamit niya ang career-record ranking na number 31 noong nakaraang linggo.
Ang pag-angat ng puwesto nito ay matapos na makaabot siya ng quarterfinals ng Dubai Tennis open.
Pinaghahandaan na ngayon ni Eala ang laban niya sa BNP Paribas Open sa California na magsisimula ngayong linggo.















