-- Advertisements --

Plano ngayon ng Philippine Sports Commission na magkaroon ng mas maraming training centers para sa tennis.

Layon nito ay para dumami pa ang bilang ng mga Pinoy na nahihilig sa larong tennis.

Ang nasabing plano ay kasunod ng pag-angat sa ranking ni Pinay tennis star Alex Eala na nasa pang-18 na sa buong mundo.

Nakatakda ring maglaro si Eala sa 20th Asian Games kung saan irerepresenta niya ang Pilipinas.

Ilang mambabatas din sa bansa ang nagpahayag ng suporata ukol sa nasabing usapin.