Nanawagan ang Malacañang sa mga grupong magsasagawa ng Protesta sa Setyembre 21 na panatilihing mapayapa ang kanilang mga kilos-protesta at iwasan ang anumang karahasan.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, hindi hinahadlangan ng pamahalaan ang karapatan ng publiko sa pagtitipon at freedom of expression.
Sinabi ni Castro na naghahanda ang Department of the Interior and Local Government o DILG at Philippine National Police o PNP para sa posibleng mga kaganapan sa mga rally na gaganapin bilang paggunita sa anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law noong 1972.
Tiniyak din ng Palasyo na paiiralin ng mga awtoridad ang maximum tolerance habang ginagampanan ang kanilang tungkulin sa panahon ng mga protesta.
Umaasa si Castro na Hindi na mauulit ang mga insidenteng naganap sa mga kilos-protesta noong nakaraang taon.
















