-- Advertisements --

Sisimulan ni Pinay tennis star Alex Eala ang 2026 Indian Wells tournament sa pamilyar na kalaban.

Makakaharap kasi nito si Dayana Yastremska ng Ukraine para sa round of 64 sa California na magsisimula sa umaga ng Sabado, oras sa Pilipinas.

Nakapasok kasi si Yastremska sa second round matapos talunin si Zhang Shuai.

Pasok agad ang 20-anyos na si Eala sa second round matapos na makatanggap ng first-round bye sa WTA 1000 tournament.

Noong nakaraang taon kasi ay tinalo ni Eala ang Ukrainian tennis star sa Eastbourne Open quarterfinals.

Mayroon ng mga titulo ang Ukrainian tennis star kung saan nagkampeon ito sa Hong Kong noong 2018 at matapos ang isang taon ay magkasunod na nagkampeon din sa Hua Hin at Strasbourg.

Habang target ni Eala na maulit na makapagkampeon matapos na makamit ang Guadalajara title noong 2025.