-- Advertisements --

Inanunsyo ng North Luzon Expressway Corp. (NLEX) ang nakaambang dagdag na singil sa mga toll fees na siyang nakatakda nang ipatupad sa Martes, Enero 20.

Ayon sa pamunuan ng NLEX, aprubado ng toll Regulatory Board ang dagdag singil sa mga toll fees kung saan ang mga motoristang bumabiyahe sa ilalim ng open system ay nakatakda nang magbayad ng karagdagang P6/piso para sa mga Class 1 Vehicles, P12/piso sa mga Class 2 gaya ng mga bus at maliliit na trucks habang P16/piso naman ang dagdag singil sa mga Class 3 vehicles.

Habang sa ilalim naman ng closed system, magkakaroon ng dagdag singil na P0.26/piso kada kilometro at ang mga motorista namang bababiyahe ng end-to-end sa NLEX ay magbabayad ng P24/piso para sa mga Class 1, P60/piso sa mga Class 2 at P72/piso naman sa Class 3.

Samantala, ayon sa pamunuan ng NLEX, ang dagdag singil sa toll fees ay mga kinakailangang hakbangin para masiguro na patuloy ang kanilang mga magiging operasyon at maserbisyuhan ng mas maayos ang mga motorista na tumatangkilik sa kanilang serbisyo.