-- Advertisements --
Nasa mahigit 400 na mga body-worn camera (BWC) ng Philippine National Police (PNP) ang nasira na.
Kinumpirma ito ni PNP Information and Communications Technology Management Directorate Director Brig. Gen. Engelbert Soriano kung saan sa nabiling 2,696 unit na BWC ay kailangan pang ipakalat sa mahigit 200,000 na aktibong kapulisan.
Ang nasabing mga BWC ay nabili pa noong 2019 sa pinaigting na kampanya ng PNP sa iligal na droga noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Dagdag pa nito na sa tagal ng panahon ay maaring naabot na ng nasabing camera ang buhay nito.
Nireremedyuhan na lamang nila ang ilang camera dahil hindi maiwasan na mabasa sa ulan ang ilan sa mga ito.
Target ng PNP na makabili ng mahigit 90,000 na BWC ng hanggang 2028.
















