-- Advertisements --
Suportado ng grupo ng mga negosyante ang plano ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na tax reforms.
Ayon sa Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII) na ang pagsasagawa ng BIR ng audits ay magpapalakas ng kumpiyansa ng mga investors.
Sinabi ni FFCCCII president Victor Lim na kumpiyansa ito sa reporma na ipapatupad ni Finance Secretary Frederick Go para magsagawa ng BIR audits matapos ang pag-suspendi ng paglalabas ng letter of authority (LOA) noong Nobyembre ng nakaraang taon.
Ang LOA ay nagbibigay ng otoridad sa BIR para suriin ang libro ng mga taxpayers.
Dagdag pa nito na ang nasabing mga hakbang ay magpapatibay pa lalo sa mga lokal at foreign investors ng bansa.
















