-- Advertisements --

Ibinabala ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na magkakaroon ng malaking epekto ang panukalang pagbawas ng value-added tax (VAT).

Ayon sa BIR na unang maapektuhan dito ay ang kita ng gobyerno ganun din sa ekonomiya.

Sinabi ni BIR Commissioner Charlito Mendoza, na trabaho ng mambabatas ang pagbabawas ng VAT mahalaga dapat na tignan din nila ang negatibong epekto nito.

Magugunitang naghain ng panukalang batas si Senator Erwin Tulfo na naglalayong gawing 10 percent na lamang mula sa dating 12 ang VAT.

Habang noong nakaraang taon ay naghain din si Cavite Representative Francisco Barzaga na tuluyang pagtanggal ng VAT.