Naghain si Senator Erwin Tulfo ng panukalang batas na magbibigay ng interest-free loan sa mga overseas Filipino Workers (OFW) upang matustusan ang kanilang pre-depature requirements at maiwasan ng pagkalubog sa utang bago pa man makaalis ng bansa.
Sa ilalim ng Senate Bill No. 1696 o “OFW Pre-Employment Loan Assistance Act” maaring makahiram ng hanggang P100,000 ang isang OFW na may tunay na kontrata ng trabaho. Prayoridan sa programa ang mga first-time OFWs, na kinakailangang dumaan sa libreng financial literacy seminar bago umalis ng bansa.
Ayon kay Tulfo, bilyon-bilyonng dolyar ang naiaambag ng mga manggagawang Pilipino abroad sa ekonimiya, ngunit marami parin ang napipilitang mangutang nang may mataas na interest upang mabayarana ang placement fees, medical examination, training, passport, visa, pamasahe at iba pang gastusin. Aniya, marami ang lumalapit sa kanilang Action Center para humanap ng pambayad sa mga requirements at kadalasan sa mga ito ay kumakapit sa loan sharks para lang makapag-trabaho abroad.
Kaugnay nito, nakapaloob sa panukala na walang interes ang loan sa loob ng unang taon na pagbabayad. Upang matiyak ang koleksyon, kinakailangang may isang kapamilya ang magsisilbing co-borrower. habang para naman sa mga first-time OFWs, maaring bayaran ang utang sa loob ng hanngang sa 18 buwan at bigyan sila ng prayoridan sa loan access, bukod sa libreng financial literacy training.
Samantala, kapag naisabatas, ang programa ay ipatutupad ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
















