Naniniwala ang constitutional law expert na si Atty. Domingo Cayosa na magpapahirap sa defense team ni dating Pang. Rodrigo Duterte ang maraming dokumento o record noong panahong nagsisilbing pangulo ng Pilipinas si Duterte.
Kabilang dito ang mga pahayag na binitawan ng dating pangulo kung saan may konkretong record ang media. Marami sa mga ito ay ang direkta niyang pag-amin na iniutos ang ilang mga operasyon.
Kasama rin dito ang ilang record ukol sa mga biktima ng extra-judicial killings o yaong mga anti-illegal drugs operation kung saan tinutukoy sa police records na ang mga subject person ay nanlaban.
Malaking hamon dito aniya ang record ukol sa kung gaano karami sa mga kaso ang naimbestigahan, at kung gaano karaming pulis ang na-convict?
Maliban dito, ilan sa mga witness ay nagsilbi rin umanong miyembro o bahagi ng ‘Davao Death Squad (DDS)’, ang itinuturong nasa likod ng ilang mga patayan kaugnay sa illegal drugs campaign.
Ayon kay Atty. Cayosa, hindi matatakasan ng defense team ng dating pangulo ang mga naturang record, na tiyak na iprepresenta ng prosecution team.
Pebrero-10, 2025 nang nag-apply ang Office of the Prosecutor warrant of arrest sa International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pang. Duterte dahil sa crimes against humanity tulad ng murder, torture, at rape.
Marso-7 noong naglabas ang ICC ng ‘secret’ warrant laban sa dating pangulo ngunit tuluyan ding na-reclassify bilang ‘public’ pagsapit ng Marso-7. Naisilbi ito noong Marso-11 at tuluyang naisurender ang pangulo sa ICC kinabuksan (March 12).
















