-- Advertisements --

Suportado ng mga pangunahing political parties sa House of Representatives sa pagsisiwalat sa publiko ng mga pondong inilaan sa bawat distrito sa ilalim ng panukalang 2027 national budget. 

Ayon sa mga mambabatas, dapat maging handa silang ipaliwanag kung paano hinati ang pondo at kung anu-anong proyekto ang pagkakagastusan nito.

Kabilang sa mga partidong nagpahayag ng suporta ang National Unity Party (NUP), Nationalist People’s Coalition (NPC), Lakas-CMD, Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at Nacionalista Party (NP). 

Sinabi ni Camarines Sur 4th District Rep. Arnie Fuentebella ng NPC na wala silang pagtutol na ilantad sa publiko ang mga proyekto at pondong inilaan sa kani-kanilang distrito. 

Gayundin, tiniyak ni Negros Oriental 3rd District Rep. Janice Degamo ng Lakas na walang itinatago ang kanilang mga miyembro.

Sinuportahan din ni Davao del Norte 2nd District Rep. JM Lagdameo ng PFP ang pagbibigay ng pampublikong access sa impormasyon tungkol sa badyet, kabilang ang paggamit ng online budget portal ng Kamara. 

Ayon naman kay Surigao del Sur 1st District Rep. Romeo Momo Sr. ng Nacionalista Party, wala silang problema sa pagsisiwalat ng mga alokasyon, ngunit hindi nangangahulugang dapat magkakapareho ang pondong matatanggap ng bawat distrito dahil magkakaiba ang kanilang pangangailangan, populasyon, heograpiya at panganib sa mga kalamidad.

Binigyang-diin naman ni Bataan 2nd District Rep. Albert Garcia ng NUP ang mga repormang ipinatupad ng Kamara upang maging mas bukas sa publiko ang mga dokumento at pagdinig tungkol sa badyet. 

Samantala, sinabi ni FPJ Panday Bayanihan Party-list Rep. Brian Poe na bukas din ang mga party-list sa pagpapaliwanag ng kanilang