Kinumpirma ng Department of Justice na kanilang pormal nang naisampa sa korte ang kaso laban sa kontratistang si Sarah Discaya may kinalaman sa usapin pagbabayad ng buwis.
Ayon kay Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez, alisnunod ito nang atukoy ng prosekusyon na mayroon sapat na batayan para ihain na bilang kaso ang reklamong kinakaharap ni Discaya.
Aniya’y nadetermina ng panel of prosecutors ang pagkakaroon ng ‘prima facie evidence with certainty of conviction’ kung kaya’y iniakyat na sa korte ang kaso.
Partikular na kanilang sinampahan ng apat (4) na bilang ng kasong ‘tax evasion’ ang kontratista nag-ugat sa bigong pagtupad na bayaran ng tama ang kaukulang buwis sa taxable year 2020 at 2021.
Paliwanag ng naturang tagapasalita kung bakit four (4) counts tax evasion case ang isinampa ay dahil sa kada taxable year na nabanggit ay nakitaan ito ng paglabag sa Sections 254 at 255 ng National Internal Revenue Code ng bansa.
Sa ilalim kasi ng batas na ito ay ang kanyang ginawang intensyunal na takasan ang tamang pagbabayad ng buwis at pati ang bigong pagbabahagi ng tunay na impormasyon hinggil sa bayarin.
Opisyal na inihain ang naturang mga kaso sa Court of Tax Appeals nitong ika-3 ng Pebrero sa kasalukuyang taon 2026.
Bukod kay Sarah Discaya, nahaharap rin sa kaparehong kaso ang kanyang asawa na si Pacifico ‘Curlee’ Discaya.
Subalit aminado ang Department of Justice na kumpara sa babaeng Discaya, ipinagpaliban munang makasuhan sa korte si Curlee Discaya.
Ayon kasi kay Justice Spokesperson Martinez, naghain ng mosyon ang kampo ni Discaya nagsanhi para hindi muna maituloy ang pasasampa ng kaso.
Ipinarerekunsidera nito ang paghhahain ng impormasyon o resolusyon ng prosekusyon kung kaya’t hiningan ang Bureau of Internal Revenue na magsumite ng kanilang kumento.
Dahil rito’y hihintayin ng prosekusyon ang ipapasang kumento ng kawanihan habang nagpapatuloy ang preliminary investigation bago pormal na resolbahin ang reklamo at ihain bilang kaso.
















