-- Advertisements --

Nakadepende  sa dami ng natitirang trabaho ang magiging kapalaran ng Indpendent Commission for Infrastructure (ICI).

Ito ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr matapos tanungin kung ano ang magiging kahihitnan ng ICI kasunod ng pagbibitiw ng dalawang Commissioner.

Paliwanag ng Pangulo, kung tapos na ang mga imbestigasyong kailangang isagawa ng ICI, saka pa lamang malalaman kung ano ang susunod na hakbang ng komisyon.

Aniya, halos lahat ng dapat imbestigahan ay naisagawa na, at maaaring may isa o dalawang bagay na lamang na kailangang linawin.

Tungkol naman sa posibilidad ng muling pagtalaga ng mga bagong komisyoner, sinabi ni  Pangulong Marcos na wala pa itong pinal na desisyon. 

Muli niyang iginiit na ang desisyon ay nakadepende pa rin sa lawak ng natitirang gawain ng ICI.

Sa ngayon, inaasahang ang DOJ at ang Ombudsman na ang mangunguna sa susunod na yugto ng imbestigasyon sakaling makumpleto na ang mandato ng ICI.