-- Advertisements --
Nakipagpulong si Executive Secretary Ralph Recto sa mga lokal na opisyal upang tiyakin ang maayos at malinaw na paggamit ng appropriations.
Ayon kay Recto, ang hakbang ay alinsunod sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos na gawing aktibong katuwang ang LGUs sa paggamit ng pondo, hindi lamang bilang benepisyaryo.
Tinutukan sa pagpupulong ang alignment ng pambansang prayoridad sa lokal na pangangailangan at ang epektibong paggamit ng pondo, lalo na mula sa Local Government Support Fund (P57.87 bilyon) at bahagi ng P1.4 trilyon na downloadable funds para sa probinsiya, lungsod, bayan, at barangay. (report by Bombo Jai)
















