-- Advertisements --

Nahaharap sa banta ng malawakang pagbaha ang 4 na rehiyon sa Mindanao dahil sa extension ng bagyo na nananatiling nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa state weather bureau, umaabot sa Mindanao ang through ng bagyo na nagdudulot ng mga serye ng pag-ulan sa maraming lugar. Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:

  • Region 11 (Davao Region) – Davao del Norte, Davao de Oro, Davao Oriental, Davao del Sur
  • Region 12 (SOCCSKSARGEN) – Sarangani, South Cotabato, Sultan Kudarat
  • Region 13 (CARAGA) – Agusan del Norte, Dinagat Islands, Agusan del Sur, Surigao del Sur, Surigao del Norte
  • BARMM – Maguindanao, Lanao del Sur

Bagaman nananatili ang paggalaw ng bagyo sa labas ng Pilipinas, posibleng ito ang huling flood advisory sa mga nabanggit na rehiyon kaugnay sa epekto ng bagong bagyo.