-- Advertisements --

Sinita ni Senate Blue Ribbon Committee chair Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang “minority report” nina Senators Imee Marcos at Rodante Marcoleta, at sinabi nitong walang lugar kundi sa basurahan dahil umano hindi sinunod ang tamang proseso.

Ayon kay Lacson, ang dokumento ay simbolo ng kawalan ng respeto sa Blue Ribbon Committee at sa Senado. Idinagdag niya na puwede namang dumalo ang minority at magtanong sa hearings sa halip na magsagawa ng sariling report.

Sinabi rin ni Senate President Tito Sotto na ang report ay para lang sa media.

Binanggit ng minority bloc ang umano’y kapabayaan ng Blue Ribbon Committee sa pag-track sa mga lead kaugnay ng dating Speaker Martin Romualdez, subalit ayon kay Lacson, hindi sapat ang testimonya ng witnesses para managot si Romualdez at puwede lamang itong maging lead para sa DOJ at Ombudsman. (report by Bombo Jai)