Pansamantalang ipatutupad ng pamahalaan ang four-day work week sa ilang tanggapan ng ehekutibo simula Marso 9,2026.
Ngunit nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi kabilang dito ang mga tanggapan na nagbibigay ng emergency at frontline services tulad ng pulisya at bumbero.
Bukod dito, inatasan din ng Pangulo ang lahat ng ahensya ng gobyerno na magtipid sa konsumo ng kuryente at petrolyo at ipagbawal muna ang mga hindi kinakailangang biyahe at aktibidad ng pamahalaan.
Binigyang-diin ng Pangulo na hihirit siya sa Kongreso ng kapangyarihan para pansamantalang bawasan ang excise tax sa mga produktong petrolyo.
Ito ay kung aabot sa 80 US dollars kada bariles ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Layunin ng hakbang na mapigilan ang labis na pagtaas ng presyo ng gasolina at diesel sa bansa.
Naglabas na ng memorandum circular ang Palasyo na nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto kaugnay sa four day work week.
















