-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Tnitiyak ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA-Caraga na handa sila sa pagtulong sa mga Overseas Filipino Workers o OFW na apektado sa tensiyon sa middle east at makauwi sa rehiyon.

Ayon kay Rodel Deligero, Officer-in-charge designate ng OWWA-Caraga na mismong si OWWA Administrator Patricia Yvonne Caunan ang nag-order sa mga regional offices na maghanda sa posibleng mass repatriation lalo na’t ilalagay pa sa alert level 3 o 4 ang sitwasyon sa Middle East.

Sa ngayon ay may nakarating na umano sa Pilipinas na mga stranded galing sa NAIA at ang mga OFW galing sa Hongkong at Singapore ngunit walang Caraganons.

Malban sa transportasyon at iba pang basic na pangnga-ilangan, kasama sa inihanda ng ahensiya ang temporary accomodation.

Sa ngayon ay mahigpit ang pakikipag-ugnayan nila sa Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP upang mapag-alaman kung may dumating bang mga Caraganons.