-- Advertisements --

Hinalughog na ng mga kapulisan ang bahay ng 16-anyos na namaril sa Silver Rail Elementary School sa Oregon.

Sa nasabing insidente ay tatlong bata ang nasawi na may edad mula 5, 8 at 11 at isang guro ang nasawi.

Napatay naman ng mga nakakita sa krimen ang suspek.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na ang baril na ginamit ng suspek na isang pump shotgun ay iniregalo sa kaniya ng kaniyang ina.

Sa ginawang paghalughog sa bahay ng suspek ay nakausap ng mga otoridad ang magulang ng nito.

Kinuha rin ng mga otoridad ang mga laptop at cellphone na pag-aarai ng suspek para malaman ang motibo dito.