-- Advertisements --
Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng taas presyo sa kanilang produktong petrolyo.
Kaninang ala-6 ng umaga ng ipinatupad ang P0.40 na pagtaas sa kada litro ng gasolina.
Habang ang diesel ay mayroong P1.40 na pagtaas sa kada litro.
Mayroon namang P0.80 na pagtaas sa kada litro ng kerosene.
Ayon sa Department of Energy na ang nasabing dahilan ng pagtaas ng produktong langis ay dahil sa mataas na demand mula sa US at Europe dahil as malamig na panahon.
















