-- Advertisements --

Arestado at kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Batangas Police Provincial Office (PPO) ang lalaking suspek sa pammaril sa Lipa, Batangas gabi ng Enero 26.

Ayon sa Batangas PPO, kinasasangkutan ng anim na grade 12 students ang insidente kung saan nagsagawa umano ng isang doorbell prank habang naghihintay sa paglabas ng isa sa kanilang mga kasamahan na posibe umanong naging dahilan kung bakit nagalit ang suspek.

Matapos nito nang nakapasok na sa sasakyan ang isa sa anim na biktima ay lumabas ng kaniyang bahay ang suspek dala-dala ang isang Caliber .45 na baril at pinaputukan ang mga biktima.

Agad namang naiulat ang insidente sa magulang ng mga sangkot na estudyante dahilan kung bakit agad na naaresto ang suspek at nakareboker ng Caliber .45 na baril, isang standard magazine na mayroong dalawang ammunition.

Samantala, sasampahan naman ng kasong attempted murder at paglabag sa Republic Act no. 7610 laban sa suspek habang nasa mabuting kalagayan at wala namang naiulat na sugatan sa insidente.