Pinuri ni Senador Pia Cayetano ang bagong tuklas na natural gas sa Malampaya East-1, na ayon sa kanya ay magandang balita para sa energy security ng bansa at makakatulong sa pag-stabilize ng presyo ng kuryente.
Ayon kay Cayetano, ang pagtutok sa indigenous natural gas ay makababawas sa dependence sa imported fuels at susuporta sa mas matatag na suplay ng kuryente sa mahabang panahon.
Bilang chairperson ng Senate Committee on Energy at pangunahing may-akda ng Philippine Natural Gas Industry Development Act, sinabi niya na ang tuklas ay magpapatibay sa batas na nagbibigay framework para sa industriya ng natural gas, kabilang ang investment promotion at paggamit ng lokal na yaman.
Binanggit din ng senador na mahalaga na ang developments sa enerhiya ay magdulot ng abot-kaya at maaasahang kuryente sa mga pamilya at sumusuporta sa Sustainable Development Goals tulad ng clean energy at climate action. (report by Bombo Jai)
















