BUTUAN CITY – Umabot sa 3.4 million pesos ang halaga sa ilegal na droga sa shabu sa operasyon sa may Barangay Poblacion 2, Buenavista, Agusan del Norte dakong ala1:40 ng hapon sa nakaraan lang araw.
Kinilala ni Dindo Abellanosa, tagapagsalita ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-Caraga ang naaresto na si Alyas Noel, 57-anyos,, isang High Value Target na taga Barangay Agusan Pequeno, Butuan City.
Nakumpiska nito ang 5 sachet na may lamang shabu na may bigat na hindi bababa sa kalahating kilo.
Kasama sa nakuha ang cellphone ng suspek na siyang ginamit sa transaction dahilang aasahan ang marami pang susunod na operasyon kung matukoy na ang mga indibidwal na pinagbabagsakan sa nasabing mga epektos.
Sa ngayon ay nasa gikustudiya na ang suspek sa Buenavista Municipal Police Station habang naisasampa na ang kasong kinakaharap nito.
















