-- Advertisements --

Nahaharap sa reklamong pananakit sa National Bureau of Investigation (NBI) ang aktres na si Rhian Ramos; beauty queen-actress Michelle Dee at beauty queen politician Samantha Panlilio.

Base sa reklamo ng personal driver ni Ramos na pinagtulungan siyang saktan o i’torture’ ng tatlo sa bahay ng aktres noong Enero 17.

Kuwento nito na galing lamang sila sa taping ng aktres na si Ramos ng tinulungan siyang bugbugin ng mga bodyguards ng aktres sa bahay nito sa 39th floore Makati residential complex.

Nagtangka na itong magpakamatay subalit sumabit ito sa kable at napadpad sa 25th floor.

Habang pababa ay nakita uli siya ng mga bodyguard ng aktres at pinabalik sa 39th floor kung saan dumating umano sina Dee at Panlilio.

Naghubad umano si Dee at pinilit na pinapahawakan sa biktima ang maselang bahagi ng katawan sabay din na binuhos ang isang nakakalasing na alak.

Doon din ay patuloy siyang binugbog ng mga bodyguards ng aktres at pinilit pa umano itong painumin ng ihi.

Ang biktima ay nasa kustodiya ngayon ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).

Una ng nagsampa ng kaso si Dee ng pagnanakaw laban sa biktima dahil umano sa pagnanakaw ng mga larawan nito na nakalagay sa ampao na nagresulta sa pagkakakulong niya sa Makati City jail ng tatlong araw.

Nakalabas lamang ito matapos na maibasura ng Makati City Prosecutors office ang nasabing kaso.