-- Advertisements --

Kasunod ng pagsuko ni dating senador Bong Revilla, inatasan din ng mga awtoridad ang pag-turn over ng kaniyang mga baril para sa tamang disposisyon.

Ayon kay Interior Secretary Remulla, wala nang karapatan si Revilla na magmay-ari o mag-operate ng baril habang siya ay nakakulong.

AV – SEC REMULLA ON FIREARMS

Idinagdag niya na kasalukuyang nire-renovate ang PNP custodial facility, kaya ang desisyon kung saan ikukulong si Revilla ay nakasalalay sa anti-graft court.

Sa ngayon, anim sa pitong akusado sa kasong malversation sa pamamagitan ng falsification of public documents ay nasa kustodiya na. Sina Brice Ericson Hernandez, Jaypee Mendoza, Arjay Domasig, at Juanito Mendoza ay nakakulong sa National Bureau of Investigation (NBI), habang sina Revilla at Christina Mae Pineda ay nasa kustodiya ng PNP. (report by Bombo Jai)