-- Advertisements --

Pinasok ng NBI ang isang beachfront resort sa San Antonio, Zambales noong Martes upang ihain ang warrant of arrest kay negosyanteng Atong Ang, ngunit hindi siya natagpuan sa lugar.

Limang ahente lamang ang pinayagang makapasok matapos ang koordinasyon sa legal counsel ng resort. Caretaker at construction workers lang ang nadatnan sa loob.

Bagama’t napapabalitang pag-aari ni Ang ang resort, sinabi ni Barangay Chairman Erwell Sadernas na hindi pa nila nakikita ang negosyante sa lugar at wala ring kahina-hinalang aktibidad sa mga nagdaang linggo.

Hindi pa naglalabas ng pahayag ang NBI sa susunod na hakbang sa manhunt. (report by Bombo Jai)