-- Advertisements --

Dalawang (2) katao ang iniulat ng mga awtoridad na nasawi matapos bumagsak ang isang helicopter sa Pililla, Rizal, nitong madaling-araw ng Martes, Marso 3.

Ayon sa ulat ng pulisya ng lalawigan, bandang alas-7:27 ng umaga nang mangyari ang insidente.

Lulan ng helicopter ang limang katao, kabilang ang dalawang dayuhan.

Agad na isinugod sa Rizal Provincial Hospital ang mga biktima para sa agarang gamutan.

Una nang iniulat ng pulisya na isa ang nasawi at dalawa ang nasa kritikal na kondisyon.

Gayunman, kalaunan ay kinumpirma na dalawa na ang nasawi sa naturang insidente. Dalawa pang pasahero ang nasugatan ngunit nasa mabuti na ang kondisyon.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng pagbagsak ng helicopter.