-- Advertisements --

Binigyang-diin ni Palace Press Officer Claire Castro na hindi napapabayaan ng pamahalaan ang iba pang isyu sa bansa, kabilang ang mga alegasyon ng anomalya sa flood control projects, sa kabila ng usapin ng impeachment laban kay VP Sara Duterte.

Pahayag ito ni Castro bilang tugon sa mga obserbasyong tila nakatuon umano ang atensyon ng gobyerno sa impeachment case. Nilinaw ng opisyal na hindi si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nagpopokus sa naturang usapin, kundi ang Kongreso, na aniya’y tumutupad lamang sa mandato nito.

Dagdag pa ni Castro, tuloy-tuloy naman ang imbestigasyon sa mga isyu ng flood control projects sa ilalim ng Office of the Ombudsman, na siyang may hurisdiksyon sa mga kasong may kinalaman sa katiwalian sa pamahalaan.

Nananatiling hiwalay at sabay na tinututukan ng mga kinauukulang ahensya ang iba’t ibang usapin upang masiguro ang pananagutan at maayos na pamamahala