Ikinamatay ng isang mag-aaral sa Istanbul, Turkey ang pananaksak ng isa pang mag-aaral sa isang paaralan nitong Martes, Oktubre 6.
Unang naiulat na nasa kritikal na kondisyon ang biktima bago ito nasawi mula sa mga natamon sugat. Pito pang mag-aaral naman ang naitalang sugatan mula sa pananaksak.
Naganap ang insidente sa isang paaralan sa Basaksehir sa bandang hilagang-kanluran ng lungsod ng Istanbul.
Batay kay Istanbul Governor Davut Gul, residente ng nasabing lugar ang suspek na mula pa sa ibang paaralan at pumasok na lamang ito sa eskwelahan ng mga biktima kung saan naganap ang pananaksak.
Nasa ilalim na ng kustodiya ang 15 taong gulang na grade 10 student na umano’y nasa likod ng pananaksak at nakatakda na ring isailalim sa proseso ng hukuman.
Matatandaan din nitong mga nakaraang buwan ng Setyembre at Abril, naiulat ang tatlong magkakahiwalay na insidente ng pamamaril sa kanilang bansa kung saan nagbukas ng usapin at nagdulot ng pangamba sa mga lokal ukol sa karahasan sa kanilang mga paaralan.
















