-- Advertisements --

Inilabas na ng Palasyo ng Malacanang ang bagong 10 National Artists.

Kinabibilangan nito nina: Nonoy Froilan sa pagsasaya; Gabby Formoso sa Architecture; Patis Tesoro sa fashion; Armando Bing Lao sa Film and Broadcast Arts; Gregorio Brillantes sa literature; Nicanor Tiongson sa literatur; Fred Buenaventura sa musika; Teddy Hilado sa teatro; Imelda Cajipe Endaya sa visual arts at Nunelucio Alvarado sa visual arts.

Nakasaad sa Proclamation 1413 na may petsa Setyembre 1 ay pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos para iproklam ang 10 Filipino bilang National Artists.

Ang Order of the National Artist ay pinakamataas na pagkilala sa mga Pinoy na mayroong kakaibang kontribusyon sa arts at panulat.

Makakatanggap ng Grand Collar at gold-plated na medalion ang mga National Artists.

Mabibigyan ang mga ito ng cash award, buwanang life pension, mayroong medical at hospitalization benefits at life insurance coverage.

Bibigyan din sila ng state funeral at pagkilala sa national state functions.