-- Advertisements --

Tinatayang nasa 3,000 karagdanag trabaho ang maaaring malikha sa Pilipinas matapos suportahan ng gobyerno ang planong pagpapalawak ng Toshiba sa hard disk drive (HDD) manufacturing operations nito sa Pilipinas.

Ito ang inihayag ni Executive Secretary Ralph Recto, matapos talakayin ang expansion plan kay Toshiba Corporation Senior Executive Vice President Koji Ikeya sa kanilang pagpupulong sa Malacañang nuong October 1, 2026 sa Malakanyang.

Ayon kay Recto, patunay ito ng kumpiyansa sa Pilipinas ang planong dagdag na pamumuhunan ng Toshiba, lalo’t isa itong global manufacturing company.

Sinabi ni Rector na handang makipagtulungan ang pamahalaan sa Toshiba upang maisakatuparan ang expansion at makalikha ng mas maraming de-kalidad na trabaho para sa mga Pilipino.

Binigyang-diin ni Recto na mahalaga ang pagpasok ng high-technology manufacturing investments sa layunin ng administrasyong Marcos na gawing competitive hub ang Pilipinas para sa artificial intelligence, advanced manufacturing at iba pang industriya.

Itinuturing din ng pamahalaan ang Luzon Economic Corridor bilang mahalagang plataporma para makahikayat ng mga bagong investment sa advanced manufacturing at technology industries.

Samantala, sinabi ng Toshiba na mahalaga ang Pilipinas sa global operations nito dahil sa umiiral na manufacturing ecosystem, skilled workforce at mga production facility sa bansa.