Tiniyak ni Executive Secretary Ralph Recto na mabilis na kikilos ang pamahalaan upang ipalabas ang emergency aid at recovery funds para sa mga biktima ng Magnitude 7.8 lindol sa Mindanao.
Ayon kay Recto, buong makinarya ng gobyerno ay nakap mobilisa na upang agad maihatid ang tulong at suportang kinakailangan ng mga apektadong pamilya.
Nasa P34.23 bilyon ang nakalaan sa NDRRMF, kabilang ang P11.95 bilyon Quick Response Fund, para sa relief at rehabilitasyon.
Nagsimula na ring magpalabas ng ayuda ang pamahalaan, kabilang ang P362 milyon sa LGUs at P278 milyon mula sa Office of the President para sa iba’t ibang probinsya sa Mindanao.
Kasama sa package ang cash assistance, pagkain, gamot, at burial aid na inaasahang makikinabang ang halos 90,000 pamilya.
Patuloy ding namimigay ng food packs at tulong ang DSWD, habang ang DOH, DOLE, GSIS, DHSUD, at iba pang ahensya ay nagsasagawa ng kani-kanilang programa para sa kaligtasan, kabuhayan, at pabahay ng mga naapektuhan.















