-- Advertisements --

Isang napakalakas na lindol na may magnitude 7.7 ang yumanaig sa bansang Panama madaling araw ngayong Sabado, Oktubre 10, 2026, ayon sa ulat ng United States Geological Survey (USGS).

Naitala ang epicenter ng lindol sa lalawigan ng Herrera malapit sa Pitaloza Arriba sa katimugang bahagi ng bansa, kung saan nagdulot ito ng malawakang pinsala sa mga kabahayan, kalsada, at pangunahing imprastraktura.

Ilan sa mga gumuho at napinsalang pasilidad ang isang hotel, lumang simbahan, at isang gusali ng pamahalaan sa bayan ng Penonomé, bukod pa sa naranasang pagkawala ng suplay ng kuryente sa anim na lalawigan.

Pansamantalang sinuspinde ang mga biyahe at operasyon sa Tocumen International Airport bilang bahagi ng safety protocol, habang nananatili namang ligtas at normal ang biyahe sa Panama Canal na pangunahing daanan ng pandaigdigang kalakalan.

Ayon sa mga paunang ulat ng mga awtoridad, wala namang naitalang pumanaw sa insidente ngunit may 15 mag-aaral ang nagtamo ng minor injuries habang patuloy ang assessment sa kabuuang pinsala sa mga komunidad.