Inaatasan na ng pamahalaan ang mga oil company na sumunod sa minimum at maximum na itatakda sa pag-aadjust ng presyo ng petrolyo, ayon kay Energy Secretary Sharon Garin.
Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Executive Order No. 110 na nagdeklara ng state of national energy emergency.
Ayon kay Sec. Garin, hindi kinokontrol ang mismong presyo kundi ang galaw nito, kung saan may minimum sa rollback at maximum sa price increase.
Samantala, epektibo ngayong Martes, Abril 21, 2026, magpapatupad ang ilang oil companies ng rollback na P24.94 sa diesel, P3.41 sa gasolina, at P2.00 sa kerosene.
Binigyang-diin ng DOE na kailangang sundin ng lahat ng oil companies ang itinakdang adjustment, ang rollback ay dapat kapantay o higit pa sa itinakda ang ibaba, habang ang pagtaas ng presyo ay hindi dapat lumagpas sa limitasyon.
Nauna na ngang nanawagan si Pangulong Marcos na ipatupad agad at buo ang rollback sa gitna ng malaking bawas sa presyo ng langis.
















