Matapos ang tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo noong mga nakaraan linggo dulot ng digmaan sa Middle East. Inaasahang magkakaroon ng malakihang bawas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy (DOE).
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, posibleng bumaba ang presyo ng diesel ng P20.89 kada litro, gasoline P4.43 kada litro, at kerosene naman ng P8.50 kada litr at inaasahang ipatupad ang rollback mula Abril 14 hanggang Abril 20.
Ayon kay Garin, ang pagtataya ay nakabatay sa average ng international na presyo ng langis sa nakalipas na limang araw kumpara sa presyo noong nakaraang linggo.
Dagdag pa niya, bagama’t maaaring mag-iba ang aktwal na presyo sa bawat gasolinahan, ito na ang inaasahang minimum na bawas-presyo.
Malaking ginhawa ang inaasahang pagbaba ng presyo lalo na sa sektor ng transportasyon, agrikultura, at pangisdaan na direktang apektado ng mataas na presyo ng krudo.
Inaasahan ding makatutulong ito upang bahagyang mapababa ang gastos sa produksyon at presyo ng mga pangunahing bilihin.
















