Sumiklab ang malawakang kilos protesta sa ilang lugar sa Syria dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Itinaas kasi ng gobyerno ng hangang 40 percent ang presyo ng diesel habang 28 percent naman sa petrol.
Dahil dito ay hinarang ng mga protesters ang pangunahing kalsada ng ilang oras.
Ilan sa mga lugar kung saan nagkaroon ng matinding kilos protesta ay sa mga bahagi ng Hama, Khan Sheikhoun at Maarat al-Numan.
Ayon kay Syrian Energy Minister Mohammed al-Bashir na ang kanilang bansa ay kasalukuyang nakakagawa ng 102,000 na mga bareles ng langis kada araw habang kinakailangan ng nasa 325,000 na bareles kada araw para sa gagamitin nila bansa kada araw kaya umaasa sila sa mga inaangkat na langis para mapunan ang kakulangan.
Tiniyak naman ng Ministry of Energy na kanilang pag-aaralan ang presyo ng pandaigdigang pamilihan kung saan nagbabago ang global market condition.















