Patuloy na nakakaapekto ang Northeast Monsoon o Amihan sa dulo ng Hilagang Luzon habang ang Easterlies naman ang nagdadala ng maulap na papawirin at pag-ulan sa nalalabing bahagi ng Luzon.
Samantala, batay sa ulat ng weather bureau, ang bagyong In-fa (2631) ay huling natunton sa layong 2,310 kilometro sa silangan ng Extreme Northern Luzon sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Taglay ng naturang bagyo ang maximum sustained winds na 150 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 185 kilometro kada oras.
Kasalukuyang kumikilos ang Bagyong In-fa sa direksyong patungong timog sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Bagama’t nananatili pa sa labas ng PAR ang bagyo, patuloy namang nagdudulot ng hiwa-hiwalay na pag-ulan at thunderstorms ang Amihan at Easterlies sa malaking bahagi ng Luzon.
Dahil dito, pinapayuhan ang publiko at mga residente sa mga apektadong lugar na maging alerto at patuloy na subaybayan ang mga lalabas na opisyal na weather update.














