-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Palace Press Officer Claire Castro na inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng Php 46.22B pondo para sa 1,743 infrastructure projects sa buong bansa.

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), nakalaan ang bahagi ng pondo sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa mga proyektong magpapahusay sa road connectivity at mobility. Kabilang dito ang Davao City Bypass Construction Project, na may mahigit Php 288M na alokasyon para sa 2026.

Naglaan din ang ahensya ng Php 17.27B para sa pagtatayo naman ng 4,960 silid-aralan sa ilalim ng Department of Education (DepEd), bilang tugon sa kakulangan ng mga classroom sa bansa.