-- Advertisements --

Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) engineers Brice Hernandez at Jaypee Mendoza.

Ipinasakamay sila ng Senate Office of Sergeant at Arms ang dalawa matapos ang pagdalo nila sa pagdinig sa Senado nitong Lunes, Enero 19.

Ang dalawa ay co-accused ni dating Senator Ramon “Bong” Revilla Jr sa kasong graft at malversation of public funds sa Sandiganbayan.

Mula pa noong nakaraang taon ay naka-detene na sa Senado ang dalawa matapos na ma-cite incontempt noong pagdinig ng blue ribbon committee ukol sa anomalya ng flood control.

Kinumpirma rin ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na nagbigay ito ng otorisasyon para sa pagsilbi ng warrant.

Bukod kina Revilla, Mendoza at Hernandez ay kasama rin na pinapaaresto ng Sandiganbayan Third Division sina Arjay Domasig, Juanito Mendoza, Emelita Juat at Christina Pineda.