Ligtas nang nakauwi sa Pilipinas ngayong araw ng Sabado, Marso 7 ang 81 pang overseas Filipino workers (OFWs) matapos maipit sa nagpapatuloy na kaguluhan sa Middle East.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), dumating ang OFWS kaninang umaga lulan ng Emirates Airlines flight EK 336 na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa lungsod ng Pasay.
Ang mga dumating na OFWs ay may booking tickets pauwi ng Pilipinas para magbakasyon habang ang iba naman ay may connecting flights sa Dubai patungong Manila kayat stranded sila dulot ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.
Pinagkalooban naman ang mga OFW ng tulong mula sa mga ahensiya ng gobyerno sa kanilang pagdating sa bansa.
Kabilang sa mga ibinigay na tulong ay pagkain at transportasyon pauwi sa kanilang mga probinsiya gayundin ang psychosocial at medical assistance.
















