-- Advertisements --

Naiuwi na sa bansa ang labi ng dalawang Pinoy seafarers matapos ang naganap na pag-atake sa Strait of Hormuz.

Nitong gabi ng Biyernes, Setyembre 11, ng dumating ang labi ng dalawang seafarers.

Sinalubong ito ng mga opisyal mula sa Department of Migrant Workers (DMW) at mga pamilya nila.

Una ng dumating sa bansa noong Setyembre 8 ang 14 na mga Pinoy seafarers na sakay din ng M/V SIDR.

Magugunitang noong Agosto 31 ng tinamaan ng hindi pa malamang projectiles ang barko habang ito ay naglalayag sa Strait of Hormuz.

Nagsasagawa naman ng malalimang imbestigasyon ang DMW lalo na sa manning agency ng dalawang Pinoy seafarers matapos na ang isa sa mga biktima ay tumanggi ng sumama ng malaman na sila ay dadaan sa nasabing karagatan.