-- Advertisements --

Nakauwi na sa bansa kagabi ang 14 na Pilipinong tripulante matapos makaligtas sa pag-atake habang lumalayag sa karagatan ng Strait of Hormuz.

Sakay nga ng isang Saudi-flagged oil tanker ang mga 14 na tripulante.

Nakarating ang mga Pinoy sa Ninoy International Airport Terminal 3 bandang alas-dyies kagabi at agad silang sinalubong ng mga opisyales ng Department of Migrant Workers (DMW) at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Makatatanggap naman ang labing-apat na Pilipinong nakaligtas ng financial at medical assistance mula sa naturang ahensya. Ayon pa sa Department of Migrant Workers at Overseas Workers Welfare Administration na nasa maayos nang kalagayan ang mga Pinoy at nakadaupang palad na rin ng kanikanilang pamilya.

Samantala, nakikipag-ugnayan na rin ang ahensya sa Philippine Embassy sa Oman at Migrant Workers Office sa Dubai. Ayon pa ahensya na iniimbistegahan na nila ang compliance ng Filipino deployment, kung saan binigyang diin din ni (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac, ang pag-review ng regulasyon sa karapatan ng mga manggagawang Pilipino, kaugnay sa pag-iwas sa high risk-areas, pagsasagawa ng risk assestment at pagsiguro sa paggalang ng right to refuse sailing.

Dagdag pa nito na hindi pa rin naiuuwi ang mga labi ng dalawang Pinoy seafarers na nasawi sa pag-atake sa strait of Hormuz dahil pa rin umano sa pending repatriation arrangements sa ospital sa Oman.