-- Advertisements --

Pinalawig ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang kanilang flight ban malapit sa dalawang aktibong bulkan ng bansa.

Ayon sa CAAP na pinagbabawal ang pagdaan ng eroplano sa Mount Mayon sa Albay at sa bulkang Kanlaon sa Negros Island.

Dagdag pa ng CAAP na ang Notice to Airmen ay mananatiling epektibo hanggang ngayong Enero 6.

Patuloy din ang kanilang monitoring sa dalawang bulkan para malaman nila kung kailangan bang maglabas ng flight ban.