-- Advertisements --

Magsasagawa ng pulong ang Senado ukol sa hakbang ng International Criminal Court (ICC) Office of the Prosecutor na inilabasang pangalan nina Senator Bong Go at Ronald Dela Rosa bilang co-perpetrators sa naganap na patayan dahil sa war ond drugs na kampanya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Senator Bam Aquino, magsasagawa muna ng pag-uusap ang mga senador bago hintayinang pormal na hakbang mula sa ICC.

Dagdag pa nito na hintayin muna nila ang pormal na deklarasyon ng ICC sa darating na Pebrero 23 ang araw ng confirmation of charges.

Giit pa ng Senador na kaniyang nirerespeto ang anumang legal na proseso na isinasagawa ng ICC.