-- Advertisements --

Binigyang linaw ng Kataas-taasang Hukuman na nararapat masuring maigi ang boluntaryong pagsuko bilang ‘mitigating factor’ sa mga kasong kriminal.

Sa desisyon isinulat ni Associate Justice Samuel H. Gaerlan, pinagbigyan nito ang petisyon ng isang akusado at binabaan pa maging ang ipinataw na sentensya.

Ito’y alinsunod nang kilalanin ng hukuman ang boluntaryong pagsuko nito matapos malaman may ‘arrest warrant’ na inisyu laban sa kanya.

Batay sa impormasyon, nagtungo ang lalaki sa National Bureau of Investigation para kumuha ng ‘clearance’ subalit habang pinoproseso, lumabas na may ‘hit’ ang kanyang ngalan na ibig sabihin ay nahaharap sa ‘pending case’.

Lumalabas na siya’y inisyuhan pala ng warrant, 13-taon na ang nakalipas, nang malaman ay agad na nagpahayag ng boluntaryong pagsuko.

Inisyuhan siya ng NBI ng ‘certificate’ nagsasabing ‘voluntary surrendered’ ngunit sa ‘return of warrant and order of release’ nama’y inilarawan na siya’y naaresto.

Sa pagdinig ng korte sa kaso, huling ang akusado na kung maari’y makunsidera ang kanyang ‘voluntary surrender’.

Subalit siya’y hinatulan pa rin ng Regional Trial Court na guilty sa kasong ‘bigamy’ at hatol na hindi siya boluntaryong sumuko dahil pinagbasehan ang return of warrant at release order.

Gayunpaman, tutol rito ang Korte Suprema at nilinaw ang patungkol sa pagsuko ng lalake sa awtoridad partikular sa NBI.