-- Advertisements --

Plano ni dating Executive Secretary Vic Rodriguez na agad maghain ng motion for reconsideration (MR) sa Supreme Court, kasunod ng pagkakabasura ng kaniyang petisyon na kumukuwestyon sa naunang ruling ng Senate Impeachment Court ukol sa 2/3-vote threshold.

Ayon kay Rodriguez, inaaral na niya ang desisyon ng SC at planong ihain ang MR sa loob ng 15 araw mula sa pagkatanggap ng resolution.

Nanindigan ang dating executive secretary na hindi maituturing bilang premature ang usapin at sa halip ay napapanahon na, kasunod ng pagkakabasura nito.

Kinukwestyon din ng abogado ang posibilidad na hihintayin pa ng Supreme Court ang conviction bago aksyunan ang usapin kung si VP Sara mismo ang nag-file

Sa kabilang banda, aminado naman si Rodriguez na wala siyang legal personality sa kaso, tulad ng ipinupunto ng SC dahil hindi naman siya kabahagi ng impeachment trial o ng Office of the Vice President.

Gayonpaman, nanindigan ang abogado na ang kaniyang isinumite sa SC ay isang ‘constitutional question’ na kumukuwestyon kung mayroon bang kapangyarihan ang Senado bilang isang legislative body o isang impeachment court na gawin ang tulad ng ginawang pag-interpret sa 2/3 voting treshold para sa conviction ng isang impeachable official.

Maituturing na ito aniya bilang ammendment o revision sa saligang batas.