Sa kabila ng pagkabigo sa Philippine Women’s Open doubles category, ‘all smiles’ pa rin ang dalawang Pinay tennis player na sina Tenny Madis at Stefi Aludo.
Ikinatutuwa ng dalawa na mapabilang sa tournament na inorganisa ng Women Tennis Association, ang pinakamalaking organisasyon ng mga babaeng tennis player sa buong mundo.
Sa panayam sa dalawa kasunod ng kanilang laban, hindi maitago ng mga ito ang kanilang tuwa matapos ang kauna-unahan nilang pagsabak sa doubles match sa kanilang karera sa tennis.
Ayon kay Madis, natutuwa siyang nakalaban ang mga magagaling na tennis player na nakalista na ang pangalan sa WTA – isang pambihirang pagkakataon aniya, na mangyari sa kanilang buhay.
Para kay Aludo, masaya siyang naibuhos nilang dalawa ang lahat at naipakita sa mga nanonood ang kanilang kakayahan.
Nakalaban ng dalawa ang Japan tennis players na sina Mana Ayukawa at Kanako Morisaki.











