-- Advertisements --

Bumagsak na sa Top 100 ng live Women Tennis Association (WTA) Rankings amh dating World No. 17 na si Donna Vekić.

Ito ay batay sa 52-week ranking cycle ng WTA, isa sa mga updated ranking system ng women tennis

Kung babalikan ang record ni Vekić, nakapasok siya noon sa Round of 16 ng 2025 Australian Open at nakakuha ng 240 points.

Ngunit sa pagsabak niya sa 2026 Australian Open, nag-expire ang naturang puntos at napalitan lamang ng 10 points dahil sa kaniyang first-round loss, dahilan upang mawalan siya ng 204 points.

Kasunod nito ay hawak na ng Croatian professional tennis player ang ika-103 na puwesto.

Sa kasalukuyan ay naglalaro ang batikang tennis player sa WTA 125 Philippine Women’s Open.