-- Advertisements --
Nakahanda na si Pinay tennis star Alex Eala para sa tinatawag na rematch kay Donna Vekic ng Croatia sa Kooyong Classic sa Melbourne.
Unang tinalo ng 20-anyos na si Eala si Vekic sa ASB Classic.
Gaganapin ang paghaharap muli ng dalawa mamayang gabi oras sa Pilipinas.
Ang nasabing exhibition tournament ay itinuturing ni Eala bilang paghahanda para sa mas malaking torneo na Australian Open na magsisimula sa susunod na linggo.
Magugunitang nakapasok sa semifinals round si Eala sa ASB Classic kung saan ito ang naging susi para umangat ang kaniyang ranking ngayon na nasa ranked 49.
















