-- Advertisements --

Haharapin ni Filipina tennis star Alex Eala si Coco Gauff, ang US tennis player na kasalukuyang nasa ika-apat na puwesto sa Women’s Tennis Association (WTA) world ranking.

Magaganap ang laban mamayang alas-11 ng gabi, oras sa Pilipinas.

Parehong umusad ang dalawa sa quarterfinals ng Dubai Open 1000 matapos malampasan ang kani-kanilang matitinding kalaban sa unang bahagi ng torneo.

Tinalo ni Eala si Sorana Cirstea sa Round of 16 sa pamamagitan ng dominanteng performance, 7-5, 6-4; habang umabot naman sa deciding set ang laban ni Gauff kontra kay Elise Mertens, 2-6, 7-6, 6-3.

Dati na ring nagkatambal ang dalawa sa doubles category ng 2025 Italian Open.

Batay sa kanilang career trajectory, si Gauff ay kinikilala bilang isang seasoned veteran sa edad na 21, habang si Eala naman ay itinuturing na NextGen rising star sa mundo ng tennis.